Bakit ba napaka BIG DEAL sa ibang tao ang itsura ng boyfriend ko? Ang dami nilang tanong sakin. "Seryoso ka ba talaga sa kanya?" "Boyfriend mo yan?"
Yes. Seryoso ako sa kanya! Siya na nga yung gusto kong mapang- asawa e. Ako din, may tanong ako. BAKIT BA KAYO NANGENGEELAM SA'MIN? BAKIT KAILANGAN NYONG PANSININ YUNG ITSURA NG BOYFRIEND KO? For me? Looks are not important pagdating sa LOVE! Hindi naman kasi MATA yung nagmamahal e. Kundi yung PUSO! I love him. I really love him. Nagustuhan ko siya kasi TOTOO siya, kasi TRUSTWORTHY siya, kasi MARAMI ANG WALA SA IBA NA SA KANYA KO LANG NAKITA! Minahal ko sya kasi EWAN KO! Basta Mahal ko siya! At Alam ko at ramdam kong mahal niya din ako. Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang malungkot nang dahil sa mga naririnig niya mula sa ibang tao. Okay! Hindi siya Gwapo pero Napapa- NGITI niya ko. I'd rather have a Beast who treats me like Princess than a Prince who doesn't. Yun naman yung mahalaga diba? Yung mahal niyo ang isa't isa. Yung nirerespeto niyo ang isa't isa. Yung wala kayong pakeelam sa itsura ng isa't isa. :)