reinastraea

"PAMILYA KO"
          By: @aishikairo
          (Modernistang Tula) 
          
          Pamilya, binubuo ng pitong letra 
          Milyon-milyon ang meron at buo pa
          Ngunit iba'y di kompleto at sira na 
          Nawala ang kasiyahan.. dahil sa minsa'y mga problema 
          
          Pamilya ko? Simple at buo 
          Pero hindi rin masaya dahil Magulo. 
          Sinasaktan ako ng ama ko 
          At todo suporta naman sa kanya ang ina ko 
          
          Sabi nila, Pamilya nagtutulungan
          Pamilya ay dapat na nagdadamayan 
          Ngunit bakit grabe ang dayaan?
          Ako lang ba ang nakakaranas ng ganitong kataksilan? 
          
          Kataksilan ng Mundo.. 
          Mundo, o kay Lupit mo. 
          Bakit ang dapat na magmahal sa isang tulad ko
          Ay ang puno't dulo ng mga luha ko 
          
          Pamilya ko, Problema ko 
          Sinong tutulong sa akin? Malabong sarili ko 
          Kahinaan ko, Kalaban ko 
          Dahil ang pamilya ko mismo.. ang dumurog sa aking pagkatao

CindyAlejandro4

@aishikairo aw. iloveyouuu, love. 
Reply

reinastraea

          Spoken Poetry by @aishikairo 
          
          Ngayon, hindi ko alam kung pano tutugon
          'Pag tinanong ako ng "Ayos kalang ba?"
          "May problema kabang dinadala?"
          O "Nais mo bang tulungan kita?"
          Ni hindi nga ako makatingin sa kanilang mga mata. 
          
          Nais kong ipagsigawan na nasasaktan ako. 
          Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.
          Nasasaktan ako tuwing minamaliit ako ng iba. 
          
          Nasasaktan ako sa mga pagkukumpara,
          "Mas magaling siya sayo."
          "Mas matalino at mas maipagmamalaki sa ibang tao." 
          
          Gayun paman, 
          
          Salamat sa mga taong nanatiling totoo.
          Mga taong nagtiwala sa kakayahan ko,
          Mga taong alam kong hindi ako iiwan,
          Yung palagi akong pakikinggan at kahit kaila'y hindi huhusgahan 
          
          Maraming salamat sa inyo,
          Maswerte akong nakilala ko kayo.
          Dahil sa mundong ito, bihira lang ang mga tulad niyo. 
          
          <3

reinastraea

          I. Parang nyebe na ayaw matunaw
          Nagtatago sa sinag ng araw
          Nabubuhay sa damdamin na ito 
          
          Refrain: At kung ako'y magtatapat nitong mga sakit.. pakikinggan ba ako? 
          
          Chorus: 
          Ako ito, na anak mo, hinayaan mo, nasaktan mo.. subalit kahit ganon, mahal kita, alam mo yon. 
          
          Kasama ka, sa paglaki, ngunit ano ang nangyari.. ako'y nalalayo..
          
          
          II. Parang sumpang ayaw nang masira, parang parusa.. oo parusa.
          Magkaroon ng amang katulad mo.
          Pero nung nakita kong hirap kana, nagbago ang lahat. Ang mali pala ay ako AHHHHHH 
          
          III. Mga luha na naipon ko, yung sakit na natago ko 
          Nais nitong magsilabas, nais ko na ring masabi
          Taong pinalaki ako.. yung taong sinaktan ako
          Yun ang storya ng ama ko't ako. 
          
          Chorus: ako ito, na anak mo, hinayaan mo, nasaktan mo.. subalit kahit ganon, mahal kita, alam mo yon 
          
          Paalam na, ako'y pagod, umintindi sa lahat ng to.. magbago kana please 
          

reinastraea

Noon ang mga bata'y mahilig sa mga pangkalyeng laro
          May pa luksong baka, patintero o di kaya'y piko
          Ngunit habang tumatagal tila'y may nagbabago?
          Mga bata.. nalululong sa masasamang bisyo? 
          
          Ako'y nagulat sa balita, Hala! Mga bata?
          Hindi ba't kay aga upang sila'y mapariwara?
          Ano ang ginagawa ng ating pamahalaan?
          Bakit maging kabataan ay napapabayaan? 
          
          Ika nga nila "kabataan pag asa ng bayan"
          Ngunit bakit naging problema ng ating lipunan
          Wala bang magagawa ang mga pamilya,
          Upang sila'y maturuan at sa mabuti mapunta? 
          
          Mga bata, labis akong nag aalala
          Sa inyong mga kinabukasang kayo ang gumagawa
          Mga bata, masyado pang maaga
          Pakiusap, huwag malululong sa masamang bisyo at magdesisyon ng tama

reinastraea

"Laban lang"
          @aishikairo
          
          
          Laban lang, bawat pagdurusa'y may katumbas na saya
          Sa bawat pag iyak tutuyo din ang luha
          Bawat paghihirap mayro'ng magandang bunga
          Pangarap ay maaabot bilang sa aki'y gantimpala. 
          
          Dadaan ang mga pagsubok na parang unos
          Matutumba at magbibilang ng uno, dos
          Ngunit tatayo at patuloy na aagos
          Buhay ko ito, laban ay 'di pa tapos 
          
          Nag-aaral nang mabuti, bawat gabi ilaw ay nakabukas
          Pagsisisi ay dumadalaw sa akin bawat oras
          Ngunit laban lang, malapit na patungo sa itaas
          Paghihirap ay magtatapos, magkakaroon ng panibagong bukas 
          
          Kahit gaano man kahirap ang buhay,
          Abutin ang lahat, huwag maumay
          May tuwa't saya pagkatapos ng lumbay 
          Pagsisikap at pag asa, buong puso mong iaalay.

reinastraea

No one knows, nobody listens
          My monsters are livin inside me
          I was tough, I was able to control
          Chains were locked, out of the rule 
          
          Its funny how little things break me
          Its funny how simple words pierce in me 
          
          If i am fallin and stoppin and letting myself fail
          Dont let me go, just hold on so 
          
          If I am muted, and nightmares are keeping myself in
          Please dont let go, please hold on so
          

reinastraea

A simple writer who writes for fun
          People often judge me but i never run
          I dont care about your opinion so go on
          I do what I want, I'll write til dusk and dawn 
          
          "What are your pronouns?" They asked me.
          I responded, "Call me anything, you're free."
          I'm glad that no one judges my sexuality
          And i'll be happier if you will accept me. 
          
          I have problems with my health
          Afraid that soon, i'll be facing death
          But I know I can, I'm fighting
          I want to achieve my goals and keep on dreaming