I am writing this announcement with a heavy heart < /3 FLORESCENCE has been removed on this platform. This is so heart breaking for me kasi ilang reads na rin po yun. I cannot retrieve na yung story since all of it has been removed na. Nag-email po sa akin ang wattpad na the decision is final and they cannot take it back na. Ang sakit po isipin na dahil po may mga readers po talaga na ungrateful, nagbigay na nga po ako ng free chapters para kahit paano may mabasa kayo and malaman niyo po yung istorya kahit konti lang, then there you are; you still reported it. Di ko alam kung itutuloy ko pa or hindi na kasi nawalan na ako ng gana bigla na magsulat and nakakatakot po sa mga future works ko if may mga ganitong tao na nag-eexist.
Ang dami ko pong plano sa istorya ko. Katunayan may ginagawa po ako ngayon at balak kong ilabas kapag tapos na siya para isang bagsakan na lang. Kaso mukhang di ko na muna siguro itutuloy. Buti na lang talaga at mayroon akong soft copy ng FLORESCENCE, kung wala ay nasama na yun sa nawala. Tamang desisyon din pala na in-unpublish ko muna yung SIPING at SAGUPAAN lalo na may mga nanrereport. Di ko ma gets kung bakit nila yun ginawa lalo na ang mura ng benta ko knowing na creativity, effort, oras, at puyat po ang pinuhunan ko roon.
I guess lesson learned na rin to sa akin. Kung sino man po yung nag-report, your karma will haunt you. Maraming salamat, po! Hanggang sa muli, paalam.