@Coded173 I do. Sa Goodreads. Although hindi ganoon kadalas unlike dito sa Wattpad. Goodreads members kasi can really decide what type of books they want. May definite na silang go-to authors. May mga list of recommended books per month. Hindi ka na talaga mahihirapang maghanap ng bagong mababasa. And Goodreads members are really voracious readers. Hindi na sila maaapektuhan masyado ng mga reviews. When I do reviews sa Goodreads, iyon ay for books talaga that blew my mind away.
Dito sa Wattpad, hindi masyadong ganoon. There are lists of course. Like sa What's Hot and recommended stories. Pero those lists are usually not based on quality but on activity. If maraming activity ang isang book, like updated siya palagi and the author is active at marami siyang followers and so on, maaaring mag-top siya ng list. And published works are also high on the list. And let's be honest, hindi lahat ng napu-published maganda ang pagkakagawa.
Ako, ang aim ko with my list ko dito sa Wattpad is to give space and time for authors and works na hindi ganoon ka-popular but really good (at least in my opinion). I want others to be exposed to some works na maaaring hindi nila pipiliin on their own kasi hindi sikat. Like you, you go after titles. May mga likhang pangit at baduy ang title (e.g. Ang Alalay Kong Astig) pero ang laman dekalidad. Sayang naman, 'di ba?