
CountSunset
Sabi nila kapag umuulan daw habang umaaraw, may ikinakasal na tikbalang Nasa edad na ako na di ko alam kung paniniwalaan ko ang mga kasabihan na ‘yan Pero napagtanto kong totoo nga pala talaga Bumabagsak ang tubig mula sa naipong bigat, katirikan man ng araw o sa kadiliman ng gabi Ang plot twist, may pagkagat sa labi para hindi lumakas ang paghikbi Umuulan ang mata Natatakpan ng mga ulap ang isip Mabigat na dibdib Sa kalagitnaan ng araw Mapapatanong ka ng bakit Nadagdagan lalo ang hapdi