20 Facts About Me
1. Mabait ako sa mga tao pero huwag lang ako iinisin dahil madali lang ako mainis.
2. Mabait sa kaibigang totoo at demonyo sa kaibigang plastic at nagbabait-baitan.
3. Hindi ako maarte at pa-feeling masyado at totoo ako sa sarili ko.
4. Medyo tamad ako sa gawaing bahay lalo na kapag busy ako sa panonood ng anime o TV dahil ayaw kong maistorbo.
5. Mahilig ako sa pangungulekta ng anime at hindi mapalagay kung hindi makakabili ulit kapag tapos ng panuurin.
6. Hindi ako makapaghintay sa lahat ng bagay sapagkat gusto ko ng mabilisan o madalian.
7. Mahilig ako sa matatamis tulad ng mga tsokolate at hindi ako mapakali kung hindi makakain nito.
8. Mahilig ako sa horror movies, scifi, at documentary lalo na kapag tungkol sa mga celestial bodies tulad ng mga aliens.
9. Marami akong mga tanong tungkol sa outer space na ang iba ay hindi pa nasasagot at hinahanapan ko pa ng mga sagot.
10. Mahilig ako magsulat ng mga kwento pero hindi natatapos sapagkat tinatamad akong mag-type.
11. Mahilig ako sa K-Pop at J-Pop pero mas mahal ko ang P-pop. Tangkilikin ang sariling atin.
12. Ayaw kong may nag P-PDA sa harapan ko dahil naiiita ako.
13. Mahilig akong magpuyat dahil nakahiligan na pero maaga kung magising kaya puro eyebugs ako.
14. Madali akong pakisamahan kung nasa mood ako. Pero kung hindi maniwala kayo hindi ko talaga kayo papansinin.
15. Mahilig akong sumayaw at umarte pero ang kumanta? Hindi iyan pasok sa aking vocabulary.
16. Attracted ako sa taong malinis manamit at funny kausap sobra.
17. Hindi ako mahilig sa study pero kung sa exam na ay doon na ako todong mag-aral.
18. Kapag umiiyak ako ay nasa tahimik na pag-iyak lamang kasi ayaw ko ng istorbo.
19. Madali lang ako masaktan at matagal kung maka-moveon.
*
LAST BUT NOT THE LEAST*
20. Pangit ako . Wahahahahaha ......
- General Santos City
- JoinedFebruary 15, 2015
- facebook: Crisean_By's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or