Masarap ang magmahal..
Lalo na kung mahal ka rin ng taong minamahal mo..
Ngunit masakit yung malaman mong may kahati ka sa kanya..
At ang mas masakit doon, bestfriend mo pa!

Minsan kailangan mo ring maging manhid at bato para kahit papano, hindi mo masyadong maramdaman ang sakit,..
Pero tao lang tayo..Kahit anong pagbabalewala natin sa isang bagay, masasaktan at masasaktan parin tayo oras na dumating ang panahong makita nating masaya na ang taong binalewala natin sa piling nang iba..
Minsan, kung kailan wala na sayo ang isang bagay, saka mo lang marerealize kung g aano ito kahalaga sayo at kung gaano mo ito kailangan sa buhay mo..
Totoo ngang , laging nasa huli ang pagsisisi..
Pero sabi nga nila, nasa iyo naman daw ang desisyon kung ano ang pipiliin mo.
Ang masaktan sa una at umayaw ka na..
o ang mahalin sya, at sa huli, magsisisi ka at masasaktan lang ng sobra dahil wala na sya?

Ito ang tanong ko sa kanya noon,

"Mahal kita, mahal ko sya..
Ano nga ba ang mas mahalaga?
Ang ibigin sya't iwan ka?
O ibigin ka't iwan sya?"
Ang sakit nang isinagot nya sa akin..

Halos madurog ang puso ko noon..
Sabi nya,

"Sya nalang ang piliin mo.
Dahil hindi mo naman makukuhang magmahal ng iba,
Kung sa sa akin lang ay kontento ka na.."

Oo, masakit pero ewan ko ba..
Hindi ko masabi sa kanyang, kaya ko lang naman nakuhang maghanap ng atensyon ng iba, dahil hindi ko maramdaman ang sinasabi nyang relasyon naming dalawa...

Haist, pag ibig nga naman..
  • Mansalay, Oriental Mindoro
  • JoinedNovember 17, 2013


Following

Last Message
CuteChinito16 CuteChinito16 Nov 17, 2013 12:09PM
Maraming nagtatanong sa akin noon kung bakit daw ako nainlab sa bestfriend ko. Hindi ko sinasagot yun noon.. pero ngayon, handa na akong ibahagi sa lahat kung bakit nga ba nakuha kong mahalin ang bes...
View all Conversations

Stories by CuteChinito16