"Misis, ayan na naman po, relax lang at bilang po tayo ng one, two , three..." hinawakan ni Mara ng sobrang higpit ang kamay ni Quen. Pinagpawisan ang braso ni Quen samantalng butil-butil naman ng pawis ang nasa noo ni Mara. Pikit na pikit ang mga mata ni Mara at tikom na tikom ang bibig nito.
Naalala ni Quen kung bakit siya narito. "Open your mouth, Mara," mahinang paalala ni Quen. "Pant, pant, pakonti-konti."
Kahit masakit masaya si Mara dahil naroon si Quen sa tabi niya. Napapakalma at nawawala ang takot niya pag naririnig niya ang boses ni Quen.
Next chapter..