DamnThisAuthor

@jham023 Your welcome jham ^__^ thanks din.

DamnThisAuthor

 "Barerjdkdkaunidfroofnndnwk?" Ha? Wala kong maintindihan sa sinasabi ng mokong nato. 
          
          
          
          "Ano?" Ako
          
          
          
          "Barermrokinriydungyurirfrom?" ( Bakit mo binigay sa kanya yung uniform? ) 
          
          
          
          "Anoo?! Uminom ka nga muna, di kita maintindihan promise." Uminom na sya ng tubig, takaw kasi e.
          
          
          
          "Sabi ko, bakit mo binigay sa kanya yung uniform?" Dharvin
          
          
          
          "Duuh, it wasn't meant for him. Dapat ikaw yung maglalaba nun, kaso nga lang lasing ka nung araw nayun. Kaya binigay ko nalang muna sa kanya. Sabi ko ibigay sayo pagokay ka na." Ako
          
          
          
          
          
          "Tekateka, una sa lahat. Bakit ako ang maglalaba nun? Ano ko yaya mo?" Dharvin
          
          
          
          "Mukha mo palang yaya na e. HAHAHA." Pangaasar ko sa kanya. 
          
          
          
          "Bahala ka na nga dyan." Sabay nagwalkout sya. AYY?! PIKON? 
          
          
          
          Dali dali ko namang pinunasan yung mukha ko and then kinuha ko yung bag ko't humabol na ako sa kanya. Tsk pikon kasi e. 
          
          
          
          Lakad lang sya ng lakad, ako naman sunod lang ng sunod. Pinagmumukha nya kong aso e. Tsk!
          
          
          
          "Hoy anu ba! Ano ko aso?" Sigaw ko. 
          
          
          
          Huminto naman sya sa paglakad nya and then humarap sya sakin. "Mukha mo palang aso na!" 
          
          Gantihan ba to? 
          
          
          
          "KFINE WHATEVER, I'm sorry! nagbibiro lang naman yung tao e!" Ako
          
          
          
          "Mukha bakong nagbibiro? Ang ayus ayus ng pagkakatanong ko e!" Dharvin
          
          
          
          
          
          "E bat ba interesado kang malaman ? " Sabi ko.
          
          
          
          "Wala ka nang pake dun! Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko." Dharvin
          
          
          
          "Eh kasi nga! Anu! Yung ano, ah." Pautal kong sinasabi sa kanya. 
          
          
          
          "Yung ano?!" sabi nya.
          
          
          
          "N-nasira m-mo kasi yung ano ko! Yung botones ng yuniporme ko!" Ay tanga. -______-" pag nasira ang botones ipapalaba kagad? HANNA NAMAN JUSKO PO UMAYOS KA NGA.
          
          
          
          "HA?! SO ANO KUNG NASIRA KO YUNG BOTONES? KELANGAN LABHAN KAGAD?" Sabi na nga ba e. Matalas ang pagiisip nitong unggoy na to.
          
          
          
          "Eh.. kasi. Ah! KASI NUNG NATANGGAL YUNG BOTONES, NALAGLAG YUNG UNIFORM KO! TAS NADUMIHAN!" Whew. Muntik na. Thank you, Lord.