Alright! Para sa mga solid readers ng transfer student, heto na!
Malapit nang i publish ang book na ito under the Dark Tavern Self Publishing at naisip namin ng mga kaibigan kong mangkukulam at demonyo mula sa kadiliman na magdagdag ng ilalagay sa ipupublish na book.
Maliban sa freebies na ibibigay na walang hidden charges na ibuburden sa mga buyers, ang ipupublish na book ay may mga fanarts na ilalagay mula sa mga avid reader ng transfer student (kung meron mang solid reader ng story na to hikhik)
Ikalawa ay hihingi kami ng mga katanungan mula sa inyo kung ano ang gusto ninyong itanong patungkol sa mga karakters na paborito ninyo o sa akin mismo (magiging mabait ako pramis. )
Ano nga ba ang mga dapat itanong?
Kayo ang bahala
Halimbawa:
Bakit ang takaw ni Jay-ar?
Bakit wagas kung tumili si Jay-ar?
Sila mismo ang sasagot sa katanungan ninyo at hindi lang basta sila sasagot dahil iguguhit ko sila para mas makita pa ninyo ang mga mukha nila habang tinatanong ninyo sila.
Saan nga ba magtatanong?
Sa wattpad, sa pm, sa facebook page, sa Dark Tavern page, anywhere na makakakonek kayo ay walang problema. Iipunin namin ang mga tanong at pipili kami ng ilalagay na katanungan syempre kasama ang pag mention ng pangalan sa magtatanong na isasama sa ipu-publish na book.
Hanggang kelan ang pasahan?
Hanggang November 9 lang kami tatanggap.
Ayan lang muna ang announcement
Salamat sa pagbabasa at maraming maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay sa story ni Cloud at Daldalita.
Once again maraming maraming maraming salamat.
-BlindCloud-