Hi Maja este Dianne! Una, gusto muna kitang batiin ng Happy Birthday. Kaya, Happy Birthday! Sana kung nasaan ka man ngayon umabot itong pagbati ko. Naks! At sana ngayon birthday mo ay nageenjoy ka ng sobra-sobra. Kaya enjoy, damahin mo ang araw mo at maging masaya ka with your family. Second, gusto kong magpasalamat sa mga minsanan panguusap natin sa MB ko na kalimitan ay late night. (Sabi nga nila great conversation starts late at night.) Mga kwentuhan ng kung anu-ano at sinu-sino. Salamat sa pagsadya ng oras para kausapin ako. Salamat din sa pagsuporta mo sa mga stories ko. Ano pa ba? Hmm... Ay! Salamat sa buhay mo at sa mga magulang mo dahil hindi kita makikilala kung wala ka diyan. (May sense nga ba ang sinabu ko?lol) At pangatlo, gusto kong magsorry. Alam kong nagsabi ako na idededicate ko ang isang update ko sayo. Pero as of now wala pa akong maiuupdate dahil kulang pa sa di ko alam kung ano yun sinulat ko kaya ayokong ipost. Patawad talaga. Susubukan kong magupdate bago ako umalis at sana magawa ko at sana ay okey lang sayo kahit na late.
Ayun, pasensya na po. Happy Birthday!