Dimasun

Hindi ko akalain na mag mamakaawa ako sa relasyon natin. sobrang sakit lang. paano pag pumayag ako? okay lang talaga sayo? Sana okay lang din sa'kin

Dimasun

Masakit lang sa part na, kaya mo na matulog kahit hindi tayo mag kaayos. Habang ako, nilalamon ng pag ooverthink. Inaantay kang magising para makapag usap tayo. Ganon nalang palagi ung cycle nating dalawa. sa totoo lang, nakakapagod na mag kaaway tayo kasi nakakatulog ka habang ako eto, nag aantay sayo. Palagi. Araw araw. 

Dimasun

Pano kaya kung iba yung nakilala mo at hindi ako yon? kasi naiisip ko, hindi ako marunong makontento. Alam ko at nakikita ko na, binibigay mo talaga yung best mo para lang mapakita mo at maparamdam sa'kin na mahal na mahal mo talaga ako. Sobrang naapreciate ko yon. Sadyang, sa tuwing hindi ko na maexplain yung pakiramdam na parang ang bigat na naman at hindi ako mapakali kasi ayoko ng ganong pakiramdam sa tuwing mag kaaway tayo, nasisira ko kung anong meron sating dalawa. Kahit wala namang mali at sobra sobra pa nga yung ginagawa mo sa'kin, ang ending parang hindi sapat ung efforts na binibigay mo dahil lang sa damdamin kong hindi ko mapigilan sa tuwing mag kaaway tayo. Ang bigat bigat kasi. Nakakaoverthink. Ayoko rin mag sabi kasi feeling ko, hindi naman importante at oa lang ako. atsaka sa tuwing nagsasabi ako, napupunta naman sa sitwasyon na, lahat ng ginagawa mo.. Parang hindi ko nakikita at naappreciate. Sorry love, kung palagi mo akong iniintindi at yung sayo hindi. sorry talaga. Naiisip mo pa, nadidisappoint ka sa sarili mo. Dapat ako yon e, kasi hindi ko mareciprocate yung way ng pag mamahal mo. :(

Dimasun

I know you really tried to understand me, you did. ako lang talaga ang problema. sorry, sobrang hirap kong intindihin. Sa tuwing sinisimulan ko ng magsabi, nagkakagulo na at lalo humihirap intindihin yung sitwasyon whenever I tried to explain my sides and I understand. I'm sorry. 

Dimasun

Pasensiya na. alam ko walang perpektong partner at alam ko rin ginagawa mo lahat para mabigay mo lahat sa'kin. 
          
          Pero bakit ganon? Lahat may balik. parang lahat ng ginagawa mo, sa huli parang obligasyon mo lang at sobra sobra ung hinihingi ko sayo? Sa huli, ibabalik ko rin lahat ng mga ginastos mo sa'kin dahil feeling ko, ako lahat yung umuubos sayo? Sa huli, parang ako yung hindi iniintindi yung sitwasyon mo pag wala ka ng pera. alam ko, nasa isip mo hindi dahil sa'kin pero sa tuwing nag sasabi ka sakin ba't nauubos pera mo, alam ko na malaking parte ako bakit nawawala yon dahil sa mga sinasabi mo. Ang ending, ibabalik ko rin lahat ng nagastos mo sa'kin. 
          
          
          Wala naman problema sa'kin kasi naiintindihan ko sitwasyon mo, sobra. at ayoko na naman sabihin mo na tinatake ko as negative lahat ng mga sinasabi mo. hindi ba pwedeng maisip ko lang na parang ako yung dahilan lahat kung bakit nangyayari yan sayo? nakokonsensya ako at napapaisip na parang sobrang gastos ko at alam ko na may goal ka na makapag ipon pero imbes na tulungan kita, mas lalo kitang inuubos. kaya sa tuwing nagsasabi ka about sa pera, nakokonsensya ako kaya binabalik ko rin. sorry talaga. 
          
          Sana makahanap ka ng hindi katulad ko. 

Dimasun

Sobrang sama ko bang partner kapag sinabi kong gusto ko ako yung pinag sisilbihan kapag kumakain tayo sa labas. gusto ko, ikaw yung kumukuha ng pagkain sa counter at ikaw yung bibili ng order natin, pero baliktad, kapag kakain tayo palagi mo sinasabi na "ikaw naman kumuha" "Ikaw na mag order". Ako po yung babae satin dalawa, hindi po ba dapat ikaw yung gumagawa ng mga bagay na ganon. hindi naman sa sinasabi kong palagi, pero kapag alam ko nahihirapan ka kumuha, tutulungan naman kita. Kapag need ko mag refill ng sauce, kaya ko naman. Pero ang point ko, gusto ko pag silbihan mo ako.
          
          Kukunin mo nga po yung order natin pero pang sa'yo lang ung sabaw, sauce o sawsawan. hindi mo manlang po ako tanungin kung gusto ko, o kaya kahit kumuha ka ng isa lang, sana hatian mo manlang ako. Kasi pag ako naman po, lagi kita iniisip sa tuwing kakain tayo sa labas. kung gusto mo neto o gusto mo pa, bibigyan kita. hindi na nga lang ako nag talk, nung ako na lahat gumalaw nung kumakain tayo. pag refill, pag kuha, pag order at pag bayad, ako. 
          
          Is that too much to do? Or baka kaya mo sa iba ng kusa at walang pag aalinlangan? Pero hindi sa akin. 
          
          Sobra sobra na ba tong hinihingi ko sayo? Sobra ba ung sinasabi ko? 
          
          

Dimasun

It just hurts my feelings, yk. I know you're trying your best. I just can't stop wondering if I am the girl you really wanted. Gagawin mo ba yung mga simpleng bagay ng kusa at hindi na mismo kailangan pang sabihin sa'yo? Alam ko ginagawa mo naman pero bakit feeling ko, labag sa kalooban mo?