NEW STORYYYY!!
RAYA AND THE FALLEN ANGEL (ON-GOING)
Kasabay ba ng ating paniniwala sa Diyos ay ang siyang pagtalikod natin sa sangkatauhan? Kinakailangan ba na sa oras na lumuhod ka at magdalas upang ika'y kaniyang iligtas ay dapat mo rin talikuran sila na nais ka ring iligtas?
All these questions, but Maraya Louie Rosa chose to believe in God. She worshipped Him without any question against Him. However, lahat ng paniniwala at pagmamahal ay may hangganan, palaging may kumokontra; sila na galit sa Kaniya. Sa pagkamatay ng matalik na kaibigan ni Raya kasabay ay ang pagkakaroon ng dungis ng kaniyang paniniwala, kasabay pa nang makilala niya ang lalaki na tila ba binato sa kaniyang harapan upang magising siya sa katotohanan at imahinasyon niya.
Hanggang saan nga ba siya kayang dal'hin ng pagtalikod niya sa Kaniya? Handa na nga ba siyang harapin ang mundo na malayo sa mga santo na dinadasalan niya?