Anytime kaya kong maghintay
Anytime pwede kang bumalik
Pero kung bumalik ka man
Ikaw pa rin kaya ang mahal ko?
Pero umiikot ang mundo
Tumitibok ang puso ko
Pero hindi lahat ng pagtibok nito ay para lang sayo
May mga nadarating
At meron ding umaalis
Merong nag aabang
Merong nananatili
At pwede kang palitan
Hindi ko minamadali ang tadhana
Hinahayaan ko siyang paglaruan ang bawat sandali
Dahil umaasa akong baka bukas panahon ko naman
Kaya sana maramdaman mo nama'y hangganan din ako
Napapagod din katulad ng ibang tao
Lalo na sa salitang binitawan mo
Na wala namang kasiguraduhan na gagawin mo
Kaya konting babala
Pagod na ako sa sakit na pinaranas mo
Gusto ko ng matapos ang kwento ng ikaw at ako.
Gusto ko ng matapos ang paghihintay ko
Gusto ng iwanan ang pangakong binitawan mo.
Ayoko ng maging isang babaeng naghihitay para sa pagbabalik mo
-DreamerCorrr
Hi guys yung naging inspiration ko para masulat o malikha ang story ni Charel Shic na nasa She Can't Move ay yung pangalawang taong nagpatibok nang puso ko ngunit nawala rin.