Mayroon akong crush tapos at that time kaibigan na Turing ko sa kaniya. Hindi ko alam basta bigla na lang akong nagkagusto sa kaniya. Habang tumatagal nagiging komportable na ako sa kaniya hanggang sa may sinabi siya na medyo nainsulto ako. Hindi na lang ako umimik, masakit siya konti. Medyo naapakan konti pagkatao ko. Medyo nanliit ako, kasi ganito lang ako. Iyong walang pera tapos siya bago sasakyan kapag pumuntang school.
Minsan umiiwas ako lalo na at ako lang yung naiiwang mag-isa sa grupo. Bakit? Tapos pumasok ang COVID 19 at nagkaroon ng bawal lumabas. Nag-aaral pa rin ako no'n. Crush ko pa rin siya. Nawala kasi sa alaala ko na ininsulto niya ako. Nitong mga nakaraang mga buwan lang bumalik yun.
Mabait naman siya.
Kaya lang one time habang iniisip ko siya ay bigla na lang pumasok sa utak ko yung mga pang-iinsulto niya sakin tapos nainis ako bigla. Iyong gabi2 ko siyang iniisip bigla na lang nawala sa utak ko. Iyong, pinapanalangin ko na sana magkaroon din siya ng pagkagusto sa akin. Iyong baliw na baliw ako sa kaniya noon bigla na lang isang alaala ngayon.
Sana pala rati ko pa naisip iyong insulto niya para hindi na ako parang baliw. Ayon, ngayon tinatawanan ko na lang talaga yung mga Katangahan ko.