Ebenjamm
likhang isip,puso ang umukit, diwang umaawit,palad ang umukit, ilan beses? wala pang hihigit, tag-araw,tag-ulan panahon ay susungit, sumabay sa agos ngunit ingat baka malunod, walang sasaklolo ni ang iyong kasunod, tumayo at huwag kang luluhod, wag magpasinaya sa mga kantanod, pagod ka na ngunit di mahahapo, animo'y lumilipad san ba dadapo? malabo at hindi lilinaw ang daan, sa bawat hakbang tanong ay nasaan?