EmberLiberty
Gusto kong humingi ng paumanhin kung madalang ang update sa aking ongoing story na "The Equilibrist." Nag-apply na ang batch namin para sa majors ng BS Biology at natanggap ako sa Ecology Division! Habang ito'y isang magandang balita sa akin ay maaaring maapektuhan ang oras ko sa pagsusulat at mas bumagal ang paglabas ng mga bagong kabanata sa mga susunod na araw. Kakailangan ko na kasing ituon ang atensyon ko sa pag-aaral. Kahit na gano'n ang mangyari, sisikapin kong tapusin ang kwentong ito na hindi minamadali ang takbo. Gusto kong mabasa ninyo ang nilalaman ng puso ko sa mga nagdaang taon at mailarawan ang mga eksenang matagal nang nabuo sa isip at imahinasyon ko. Kung nababasa mo ito, hindi ko hinihiling na manatili ka at hintayin ang mga susunod na kabanata. Alam ko kung gaano kahirap maghintay. Pero ikatataba ng puso ko kung magagawa mo ito. Hindi madali sa akin ang mag-isip at magsulat ng kwento/nobela, pero hangga't may nagbabasa, kakayanin ko. Maraming salamat!
EmberLiberty
@concourven salamat, Neng. Tatapusin ko pa rin 'yan kasi alam kong naghihintay kayo sa ending.
•
Reply