+++
Isa akong aspiring writer na kumikindat sa kumikindat na cursor. Minsan ko na ring sinisi ang 'Writer's Block' dahil wala akong maisulat na kahit ano sa maliit na scratch paper. Lagalag pa rin ako sa Wattpad community noon hanggang ngayon... naghahanap, naghahanap at naghahanap ng kayamanan at patuloy na nagpapapalit-palit ng destinasyon. At higit sa lahat, ilang beses na rin akong nagpapalit-palit ng description ng 'Tungkol sa Akin' sa site na 'to. Wala na akong masabi sa sarili ko, next time idaraan ko na lang ulit sa quotes...
+++
Patawanin mo akong mag-isa habang nagbabasa.
Pakiligin mo ako hanggang sa gumulong na ako sa aking kama.
Paiyakin mo ako hanggang sa maubos ang aking mga luha.
Takutin mo ako gamit ang iyong mga salita.
Bahidan mo ang aking pananaw ng iyong impluwensiya.
Dalhin mo ako sa malayong lugar pero h'wag mo akong ilayo sa reyalidad.
Baka bukas o sa makalawa, bisitahin o sundan ko rin 'yong Profile mo, babasahin ko pa 'yong mga kuwento mo, paiingayin ko ang notification mo, iboboto ko lahat ng parte na magugustuhan ko at magkokomento pa ako ng nobela para sa 'yo. H'wag mo lang akong diktahan ngayon sa bagay na hindi ko gusto.
Kasiyahan, pang-unawa, kapayapaan at pagkain ang gusto ko.
+++
Hindi mo na kailangang malaman ang buo kong pangalan dahil alam kong wala ka namang paki. Pero sapat na siguro ang mahabang username, weird na nickname at mga munting kuwentuhan para makilala mo ako kung sakali.
Gayunpaman, maraming salamat sa pagbisita sa Profile ko. (:
+++
Filipina/Music Lover/Hologram
Little Black Star/Otaku/Kpopper
Human/Animei Yamamoto/Loner
Fangirl/Shadow/Daydreamer
Reader/Aspiring Writer/Pop Egg
+++
Mahirap lakbayin "Ang Mundong Color Green" lalo na kung ang mga taong gusto mong makasama sa paglalakbay ay "Out of Reach".
+++
My present self: @d_lavigne
(D. Lavigne) 💕
+++
- Somewhere Out There
- JoinedDecember 24, 2013
- website: facebook.com/DeeeeLavigne
Sign up to join the largest storytelling community
or
enelradengival
Apr 08, 2019 09:55AM
Anong silbi ng panulat mo kung hindi mo gagamitin sa tama?View all Conversations
Stories by Darloine
- 2 Published Stories
Haiku
168K
1.7K
200
Isang salita noon, isang haiku na ngayon. Haiku noon, haiku pa rin ngayon.
(Koleksiyon ng mga 'haiku' sa Wika...
#6 in haiku
See all rankings
Ako'y Tutula
41.1K
659
98
Koleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat n...
#842 in tula
See all rankings
8 Reading Lists
- Reading List
- 5 Stories
- Reading List
- 3 Stories