Pangarap lang kita
by "Ephykris Angela Cordeta"
Ika'y parating pinagmamasdan
Mapupungay mong matang palagi kong tinititigan
Kulay-rosas na labi mong nais kong mahalikan
Malalambot na kamay mong gusto kong hawakan
Nais kitang yakapin
Kahit isang daplis lang ng hangin
Di ko mapigilan
Silakbo nitong damdamin
Kaya giliw sana'y iyong damhin
Pag-ibig ko sayo'y di mo pinapansin
Ibubulong nalang sa hangin
Kakalimutan, iwawaglit at sa ere'y papaliparin
Di ko makakaligtaan
Limitasyon nitong aking nararamdam
Pangarap lang kita
At sa panaginip lamang tayo magkakatuluyan at magkakakilala