Ako po si Dennis, mahilig po akong magsulat, mag-aral, at mag basa, ng mga malalalim na salitang tagalog, mga salitang hindi mo lubos akalain ang kahulugan sa lalim ng pinag huhugutan.
Hindi pa namumulat ang aking kaisipan ay may negosyong tindahan ng mga tagalog komiks ang aking Lolo Lucas "Tamuca" Erasga, at halos araw-araw ko itong binubuklat, hanggang sa namulat ako at natutong magbasa ng mga komiks ni Lolo. Kapansin pansin ang mga malalalim na salitang tagalog ang mga nilalaman ng mga komiks, siguro nahawa ako ng mga manunulat ng komiks sa pagsasalita at pag susulat ng malalalim na tagalog.
Nag simula ang hilig ko sa pag susulat at pagbabasa noong nag aaral pa ako sa elementarya, subalit tanging mga aklat ng Filipino at mga tagalog ang nahiligan kong basahin.
Ang mga Aklat ng Ingles at wikang Ingles ay bihira ko itong pag-aralan at ni minsan ay hindi ko nahiligang pagtuunang pansin.
Marahil ang dahilan nito ay ang maling paniniwala na sinambit sa akin ng aking Lolo noon na kapag natuto ka ng Ingles ay mauutal ka na sa pagtatagalog.
Ang sinambit ni Lolo sa akin ay nagmistulang masamang pamahiin na sisira sa aking dila at labi para bigkasin ang wika na kinagisnan ko.
Kung kaya't mababa ang aking nakukuhang marka sa paksang Ingles at mataas naman sa Filipino.
Magpa hanggang sa ngayon ay patuloy parin ang pag-aaral ko ng malalalim na tagalog at bumubuo ng paraan para makagawa ng masasarap bigkasin sa wika na minahal ng mga Pilipino.
Samahan nyo ako sa masarap kong pangarap, ipa titikim ko sa inyo ang mga salita na nagpapa antig ng damdamin sa pamamagitan ng mga ipababasa kong mga kakaibang tyempo ng pangungusap gamit ang malalalim na salita sa loob ng kuwento na mabubuo sa aking malikhaing isip.
Sundan nyo po ako sa facebook, kung saan ay dito din po ako nag susulat.
www.facebook.com/DennisRoxasErasga
- JoinedOctober 29, 2015
Sign up to join the largest storytelling community
or