Pansamantala kong ititigil ang pagsusulat at walang katiyakan kong kailan ako makakabalik. Hayst... These past months were really draining, physically, emotionally and physically. Dalawang linggo mahigit aking walang tulog dahil ako ang nagbabantay at wala akong choice. Physically dahil kulang sa tulog. Emotionally dahil nakikita ko ang araw-araw na sitwasyon ng pasyente at financially dahil kahit ang pera ay pinoproblema. Madali pa naman akong ma-stress at ayaw na ayaw ko ng complications. Iyon ang pinakainiiwasan ko pero lapitin ako. And now that my grandmother is ready to be discharge, financial problems are striking us again. Ako pa naman ang nakikiharap sa mga tao sa ospital. Hayst! Ang hirap lang talaga magkasakit. Ang hirap ng walang pera at ang hirap maging matanda.
Parant lang. Mawala lang ng kaunti ang mga alalahanin sa buhay.