[ starter ¦ open for all ]
Agad na hinawi ni Mavis ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha dahil sa hanging umiihip. Pinakiramdaman ito ng dalaga na siya namang nakadagdag sa kabigatan ng kalooban niya na siyang isinantabi niya agad sa pamamagitan ng pag-iling at paglalakad papalayo sa kanyang kinatatayuan. Hinayaan niyang dalhin siya ng sarili niyang mga paa kung saan.
Sa araw na iyon, dinala siya sa malaking aklatang nasa may liblib na parte ng syudad. Napagpasyahan niyang doon na lamang muna mamalagi hanggang sa hindi ba nalubog ang araw ("Ngunit kelan nga ba 'to tunay na sumikat?" Tanong niya sa sarili).
Pagpasok niya'y agad siyang naghanap ng librong maaaring basahin. Hindi man kalakihan ang aklatang iyon pero sapat na nilalaman ng lugar na 'yon para maaliw si Mavis. Nang makapili siya ng librong babasahin at isang mesa na maookupa, di kalauna'y may lumapit sa kanya't nagtanong kung maaari ba siyang makiupo. Agad siyang tiningala ni Mavis.