KapitanaOasis

adhika-nais o gusto
          kumakandili-nagmamalasakit
          dumatal-dumating
          agam-agam-pangamba
          Yaon = alis
          akukabkab - tinalupan
          alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid
          Katigan - sang-ayunan, kampihan
           Pangangamkam - pagkuha
           Masinsinan - seryosong pag-uusap
           Pang-uuyam - paglait
           Sagrado - banal
           Hinawan - nilinis
           Pitagan - paggalang
          Tumangkilik - nag-aruga
           Tinalunton - sinundan
           Mauulinigan - Maririnig

KapitanaOasis

MANILA, Philippines – Isinusulong ni San Juan  City Vice Mayor Janella Ejercito-Estrada ang pagsasagawa ng mandatory drug test para sa public at private high school students sa kanilang lungsod, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
          
          Ayon sa bise alkalde, na head ng city anti-drug abuse council, nais niyang matiyak na hindi masasadlak sa masamang bisyo ang kanilang mga mag-aaral.
          
          Sinabi ni Estrada, na anak ni Sen. Jinggoy Estrada, na ang mga estudyanteng matutuklasang positibo sa illegal drugs ay isasailalim sa training at seminar hinggil sa bawal na gamot sa pamamagitan ng Department of Education, Department of Health at ng Philippine National Police.
          
          Ito ay upang maimulat ang mga estudyante sa masamang dulot ng ilegal na droga sa kanilang katawan at buhay at malaunan ay umiwas na rito.
          
          Nilinaw naman ni Estrada na bago ang mga estud-yante, dapat munang maunang isalang sa drug test ang mga city hall employees, at mga barangay official, kabilang ang mga barangay tanod nila.
          
          Hindi naman ibinunyag ni Estrada kung kailan ang eksaktong petsa nang pagdaraos ng drug testing upang hindi ma-preempt ito.
          
          PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
          “But it will be conducted anytime soon..aniya

KapitanaOasis

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
          Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
          Ang inang kumalong at siglang umawit,
          Wikang Filipino ang siyang ginamit.
          
          Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
          Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
          Manalangin lamang at saka magsisi,
          At patatawarin ng Poong mabuti!
          
          Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
          Sa patid na hinga ng kulturang patay,
          Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay, 
          Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.
          
          Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
          Nitong mga paa ng mahal na bayan,
          Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
          Sa bundok o burol, maging kapatagan.
          
          May alab ng apoy at lakas ng bato,
          At kinang ng tubig na wari ay ginto,
          Wikang Filipino’y matatag na hukbo
          Na lakas ng iyong pagka-Filipino!
          
          -mga tagalog na tula 
          
          Kahulugan ng mga Salita:
          
          kasarinlan – kalayaan, independensiya, pagsasarili, kakaniyahan, kakayahang mag-isa. Kadalasang ginagamit sa estado ng isang bansa na nasakop ng ibang bansa katulad ng Pilipinas.
          
          Halimbawa:
          • Tunay nga bang natamo na ng ating bansa ang kasarinlan mula sa mga mananakop?
          • Ang tagalog na tula na kanyang ginawa ay bunga lamang ng kasarinlan ng kanyang isip at damdamin laban sa kanyang mga magulang.
          • Dalisay ang kasarinlan ng ating wika kung ito ay hindi nangangailangan ng hiram na salita.
          
          Iba pang Tula tungkol sa Wikang Filipino:
          
          • Palakasin Mo - Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino
          • Ano Ito? - Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
          • Ang Teknolohiya at ang WikangFilipino