Magandang araw sa inyong lahat!
Nais kong ipabatid na kasalukuyan kong binibigyan ng kulay ang pinaka-una kong nobela sa ilalim ng kategoryang BL or Boys' Love, ang "You're My R Squared Pi." Ang kuwentong ito ay muling iikot sa mga taong nakasama ko noong ako ay nasa high school, kagaya ng mga tauhan sa aking akdang "Babae Po Ako: The Adventures of Sunshine." Gagawin ko ang lahat upang mailatha ang mga pahina ng aklat na ito sa lalong madaling panahon. Marami-raming pasensiya at suporta ang muli kong hihingin sa inyo.
Iyon lamang. Sumainyo ang pagpapala, kasiyahan at pagmamahal na inaasam ng inyong mga puso. ❤