Yung esp teacher ko binigyan aq ng 83 e ako naman highest sa test, kompleto din mga performance tasks ko, matataas din yung mga quizzes. Then yung president namin binigayan niya 91.
Alam ko kasing nagkasagutan kami nung Q1 at muntik na magsinungaling sa kanya. Natandaan ko nga nung teachers day sabi niya "Ok lang kung hindi na kayo magbibigay na ng mga bulaklak. Basta taasan niyo grades niyo masaya na ako". Alam ko na may alitan tayo pero hindi ibigsabihin nun pwede mo na gawin excuse yun kung ginawa ko lahat lahat ko para pasayahin ka. Tapos 83? 83!?
Kung kaya lang sana kita harapin gagawin ko, pero hindi e. Ka-close mo kc yung ibang esp teachers, kung kaya mo aq ipahiya sa harap nila. Hindi pa kaya sabihan sila na bigyan ako ng mabababang grades sa susunod? Nakakadismaya maam, esp teacher ka tapos hindi mo kayang unawain yun. Sorry nmn na kung ako mali. Sorry nmn na kung sinagot kita.