Hi, Filipina! Gusto ko lang sabihin na story mo yung una kong nabasa sa ebook, Im Dating The Ice Princess pa title no'n na binasa ko in 5 days, yung tipong kahit may school event at may nagpe-perform sa stage, alaws em pake basta nakatunganga lang ako sa cp, kinikilig mag-isa HAHAHA! Elibs na elibs ako no'n sa writing style mo na ngayon ko lang na-realize na ang jeje nga, pero nung binabasa ko siya dati sobrang daling ma-imagine, parang tadtad ng malalalim na words kaya akala ko dati grupo kayo kasi 'Filipina', 'yun pala ikaw lang nagsulat nun, kaya elibs na naman ako. Dahil sa'yo kaya napunta akong wattpad.
Ang lakas ng patama ng latest one-shot mo na Author's Note. Nakaka-miss yung ganung era 'no? Yung kahit jeje yung mga stories, ok lang kasi malawak na gumagana yung imagination ng mga writers kaya pati readers madaling maintindihan yung storya. Lol, ba't ko 'to sinasabi? Wala lang nagre-reminisce lang. Ginawa na kasi talagang pagkakakitaan 'tong wattpad, hays. Anyways 'yun lang labyu po HAHAHAHA.