Ako si Florence Bryan, sinilang sa mayaman at makasaysayang bayan ng Bulacan. Hinubog at inukit ang galing sa maraming bagay, nagpunla at nagtatag ng napapanahong idolohiya sa larangan ng paglilingkod sa diyos at sa bayan. Maliit palang ay pinangarap ng maging isang tanyag na haligi ng ating bayan, na magtatanggol at mag lulunsad ng mga adbokasiyang tutugon sa marami pang kabataaan at mamamayang nasasadlak sa matinding kahirapan. Maydangal at malaking paggalang sa aking katauhan na kayang tumayo subalit hindi kayang magbuhat ng sariling upuan. Isang modelo ng kabataang nagnanais ng maraming makabuluhang bagay para sa ating bayan. susuungin lahat ng matatarik na lansangan mahanap lang ang inaasamasam na pangarap.

Noon ang batang Florence Bryan ay nangangarap lang, subalit dahil sa angking sipag at dedekasyon unti-unti ko ng nakakamit ang aking mga pangarap, na kahit na sa simpleng paraan o simpleng bagay lang masaya na ako.

Hilig kong maglakbay at makipagkilala sa mga tao sa kalsada, upang maunawaan ko kung ano ang pamumuhay na mayroon sila.Hilig kong maglakbay sa lugar na maraming simbahan ng sagayon, na gugunigunita ko ang mga kasaysayang iniukit doon. Hilig kong sululat ng mga babasahing may aral at pagmamahal sa bayan. Hilig kong makisalamuha sa mga kabataang nagkakaisa ng layunin, ang ipag laban ang mga natatapakan. At higit sa lahat hilig ko ang mag-puri at mag-pasalamat sa ating Panginoon, sa lahat ng bagay, oras at pagkakataong ibinigay niya sa akin.
Because without God, my life is incomplete! Thanks BRO! :P
  • Plaridel, Bulacan
  • SumaliJuly 24, 2013



Huling Mensahe