I am super duper happy na babalik ulit ang BTS dito sa Pilipinas. Naging army ako no'ng Wings Era nila. Super jejemon pa that time, and 'yong phone ko My Phone pa ang brand. Mahina pick-up sa signal, kaya gumigising ako ng mga three am or four am para makapag-download ng songs nila, tapos download ng videos sa Vidmate pa. Tapos para makanood din ako ng Run BTS episode. Maliban pa roon, para maka-download din ako ng Webtoon at 'yong chapters doon sa Save Me nila, tapos download din ng BTS World sa Play Store.
Katabi ko si Mama matulog, kaya pasimpleng kuha talaga sa phone ko no'ng time na 'yon. Five am kasi ako naliligo or mag-prepare sa school no'n, kaya kailangan nagising ako nang at least earlier para makapag-phone pa ako. At ito pa, first time ko sumali sa mga fan war, fan war (huhu, sorry). Super young pa talaga ako no'n—respectful words lang naman ginagamit ko sa fan war hehe. Super memorable lahat ng memories, ngayon na college student na ako. I felt like they've watched me grow.