Hi po! Gusto ko lang magbigay ng maikling rebyu sa gawa nyo (Voices in my head).
Una: It feels like any other collection of poems, it does not try to be something more, pero I think sometimes it's ok naman, hindi naman natin kailangan palaging i-aim na magbreak ng boundaries. Minsan sapat na na simple, basta genuine. PERO hindi masama na subukan nating mas maging creative sa pagdeliver ng message.
Pangalawa: Technicality. Ang naging problema ko dito ay grammatical errors, mga simple lang naman at madaling baguhin (your, you're and all that), kung nakaligtaan mo lang 'yon mas mabuti sigurong mag reread at revise . Di ko na iisa isahin ang bawat mali, kaya mo na yan. Alam kong di natin kailangan maging perfect sa technicalities, at alam kong mahirap maging perpekto sa aspektong 'yon, pero we can try.
Overall, naenjoy ko naman sya. May isa o dalawang, tumatak sa kin. Gusto ko lang ihabol na nakakatuwa na ang ayos ng format mo sa gawa mo at ang ganda nito tingnan.
Yun lang po muna. Keep writing po!