GagongKritiko Domain

Isang patolang lalaki na handang maghandog ng oras para magsabi ng saloobin sa mga nababasa niyang storya. Walang paligoy-ligoy, walang kaliwaan, totoo akong tao at handa akong maging mabait sa inyo. Haha, isang pekeng kritiko na walang karanasan sa totoong pagre-review ng mga grupo ng salita na may isinasadulang pangyayari, madalas pag-ibig at komedya, at minsan nama'y mga saloobing walang kwenta pero may malalim na sense at pinanghuhugutan.

Maaaring may mapulot sa sasabihin ko o pede ring walang kwentang payo na ikasisira lang ng buhay mo. Ikaw nang bahala kung anong maipapasok sa kokote mo, basta ako ay isang huwarang gabay na makakagulo sa daloy ng magiging buhay mo at malaking tsansa na wala ring maitutulong sa'yo.

At kung sakaling may tiwala ka pa rin sa akin sa lahat ng nabasa mo sa taas, maaari ka nang magrekomenda sa akin ng mga storyang pede kong kainisan o sambahin.



Magsulat ka lamang ng liham na naglalaman ng iyong pangalan, address, edad, ilan kayo sa bahay, gaano kalaki ang bahay niyo, magkano ang baon mo sa eskwela kada araw at paki-ipitan ng isangdaang piso kung meron ka man nun. 'Di biro lang yun, pero kung sakaling uto-uto ka pede din namang sundin yan. Ipadala mo nalang sa pinakamalapit na LBC at saka ibigay ang address na Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry


Personal Message ng title ng storya kasama ang link at kaunting paunang salita tungkol sa storya mo. Sabihin kung ano ang gusto mong i-emphasize ko sa pagre-review ng storya. Yun lang at maghintay na lamang ng isang words of non-sense wisdom mula sa akin.


TANDAAN! Nagbigay na ako ng babala at 'wag kang magalit kung sakaling pangit o walang kwenta man ang nasabi tungkol dito.

Basta gagawin ko ang lahat para maging mabait at tukuyin lamang ang kailangan pangi-improve para sa'yo.
  • Baliuag,Bulacan
  • JoinedJune 18, 2013