---this is admin Maku speaking.
Napansin ko kasi na halos 10 books ang mga naka-publish sa accounts niyo. Payong kaibigan lang po, huwag po tayong magpublish ng magpublish dahil baka mawala sa isipan natin ang plot. Naranasan ko na ang ganyan, nawalan ako ng plot kaya't nalito ang mga readers ko, noon. Try to focus on one story, madami ka ngang napupublish ang kokonti naman ng laman ng bawat chapters. Mabibitin readers niyo lalo na kung mabagal pa ang update. Hindi ako nanlalair ah? I'm just stating.
Tips how to write.
• kapag may naisip kayong magiging plot sa susunod na chapter pero nasa school ka, get a pen and paper. Mag-draft ka doon. Then pagka-uwi mo, construct it in a story. Tandaan, kapag hawak mo ang ballpen 'wag mo ng papahawak sa iba.
• don't be so much jeje. Hindi ako nanlalait. Hindi ko rin sinabi na wag maging jeje. It's just wag naman yung sobra. Iwas iwasan din natin minsan ang mag-shorcut like this "sobra2" see? Mahihirapan readers niyo.
• have confidence. Wag niyong pansinin ang rude comments, just focus on the compliments.
• wag pabago-bago. Ito ang madalas nangyayari sa ating mga amateur writers. Pabago-bago tayo ng names ng characters, story or di kaya ng plot. Nalilito na ang readers niyan. Nangyari na ito sa akin at naka-encounter ako ng basher kesyo nalilito na daw siya sa story, nasaan daw ba napunta si achuchu.
• lastly, wag munang mag-publish basta basta. Read it first, kung naisip mong maganda, gora! Pero kapag may nakita kang kulang or anything, ayusin mo.
Love,
Maku