Magandang Gabi!
Ang araw na ito ay eksaktong isang buwan bago sumapit ang aking kaarawan. Sinabi ko sa aking sarili na sa pagsapit ng aking kaarawan, buo kong ipo-post ang major revision ng aking unang nobela, ang TRAPPED MERMAN (ES1B1). Sinabi ko ito sa aking sarili upang maging regalo ko sa aking sarili at maging sa aking mga mambabasa.
Ngunit, ngayon pa lamang ay humihingi na ako sa inyo ng paumanhin dahil hindi ko maisasakatuparan ang aking nais. Sa mga nagdaan na linggo, sunod-sunod akong dinapuan ng sakit (malaki ang pasasalamat ko't hindi Covid ang aking naging sakit). Kaakibat nito ang pangamba at hindi magandang dulot nito sa aking pag-iisip dahilan kung bakit hindi ko napagtuunan ng pansin ang pagre-rebisa ng aking nobela.
Sa kabilang banda, ngayong umaayos na ang aking pakiramdam, muli akong nagbabalik sa pagsusulat. Sa pagsapit ng aking kaarawan, maipapangako kong maipo-post ko ang unang labing-anim na kabanata ng TRAPPED MERMAN (kaakibat ang bago nitong titulo). Magkakaroon din kayo ng pagkakataong mabasang muli ang aking mga nakaraang likhang nobela, maging ang aking mga paparating na nobela ay maaari niyong makita.
Hiling ko ang maayos at masiglang kalusugan para sa lahat. Ating sundin ang bawat patakaraan ng ating lugar upang makaiwas tayo sa pagdapo ng virus sa ating katawan. Pangalagaan din ang kalusugan ng ating isipan at maghanap ng maaaring mapagkaabalahan upang doon mapunta ang ating atensyon.
Maraming salamat!
- GinoongDan