"" Hindi kita iiwan. Hindi kita lolokohin. "
Ang pinaka magandang nasabi mo sakin.
Ngunit kasalungat ang pinadarama mo sakin.
Iniwan mo nalang ako ng basta basta.
Asan na ang mga pangarap natin sa isa't isa?
Tayo pa ba?
Bago ko simulan ang aking kwento..
Ano nga ba ang tinatawag nating Long Distance Relationship?
Actually maraming tawag jan 'e.
Magkasintahang malayo sa isa't isa,
nagmamahalan ngunit magkalayo,
Comitted sa isang kasintahang nasa abroad
o malayong lugar at kung ano pa.
Naniniwala ka ba jan? Sa pagibig pero malayo ang distansya?
Maraming nagsasabi na napakahirap daw ng sitwasyong ito.
Na-experience ko na ang ganitong relasyon at ang masasabi
ko lamang ay posible ito at napaka-challenging in short ...
hindi madali pero posible.
Mahirap sapagkat hinahanap hanap mo ang presensya niya.
Yung feeling na gusto mo syang makausap
ng personal pero hindi mo magawa.
Yung feeling na gusto mo syang makasama sa
every happy moments na nangyayari at makasama
sya maglakad lakad while holding hands kaya lang hindi mo
magawa. Yung tipong gusto mo siyang protektahan,
alagaan at mayakap kaya lang
anjan yung masakit na katotohanang. . .
NASA MALAYO SIYA.
Pero andyan naman ang pagmamahal niyo.
Oo, yan ang pinakaimportante. Yung pagibig
niyo sa isa't isa kahit na alam niyong malayo kayo.
Yung katawan niyo lang naman malayo sa isa't isa 'e,
pero ang pagmamahalan niyo hindi. kahit san mang lugar ka pa
o siya bsta nangunguna ang pagibig niyong dalawa.
Pero sa relasyong ito hinding hindi mawawala ang pagdududa.
Kasi hindi mo naman alam kung totoo mga sinasabi niya.
Hindi mo alam kung dapat mo bang paniwalaan yung mga
matatamis at nakakakilig niyang I LOVE YOU o yung
mga katagang I MISS YOU.
Nababaliw kana kakaisip kung ano ba ginagawa nya ngayon
dahil lang sa hinihintay mo sya tumawag o mag-Online.
Posible ang ganitong relasyon.
May tumatagal ngunit naghihiwalay din.
..." http://wattpad.com/story/2280959