Hindi ganun kadaling proseso ang pagmomove-on. Alam din nating lahat yan. hehe (affected eh) Hindi dapat pinipilit ito, kasi kung mas lalo mong ipipilit sa sarili mo ang pagmomove-on, mas lalo ka lang mahihirapan. Ang pagmomove-on nagsisimula sa pagtanggap. Kung tatanggapin mo ang mga nangyari, unti-unti, matututunan mo ang pagmumove-on. Walang taong nakakalimot, natuto lang siyang tanggapin ang lahat. At ang mga nangyari, ang mga bagay na nakapagpasakit sa kanya, ay magsisilbi na lamang alaala ng nakaraan, na magiging aral para sa kasulukuyan.
Sabi ng kaibigan ko nun sakin, "Ikaw 'tong nang-iwan tapos ngayon, iiyak-iyak ka?" sabay batok pa sa akin. (sana hindi niya mabasa ito)
1. Kapag hindi na worth it ang isang bagay, then let go of it. Hindi pwedeng habang buhay magpapakatanga ka. Hindi na uso ang martyr. Pero uso ang tanga, wag ka ng makipagsabayan. At mas lalo ka lang mahihirapan kung ipagpapatuloy mo ang isang bagay na alam mong dapat ay tapos na. Masaya na siya ngayon. Let yourself be happy din.
2. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong pilit ng bumibitaw. Kung ayaw na sayo, edi tanggapin mo na lang kahit masakit. Mas lalo kang masasaktan kung pipilitin mo pang magkaroon ng kayo.
3. Wag magpaka-emo. Lagi mong tatandaan na nandyan pa ang mga kaibigan mo, pamilya mo, at ako. Masyadong maikli ang buhay para maging malungkot.
Ang pagmomove-on ay kailangan ng oras. Oras para sa tinatawag nating acceptance. Lahat ng bagay nagbabago, walang permanente sa mundo. Kaya yang sakit na yan, ihihipan papalayo yan ng hangin at paiikutin ng oras. At magigising ka na lang isang araw, tatawanan mo na lang ang pagiyak-iyak mo, kasi nga natanggap mo na ang lahat.
Walang mahirap sa taong desidido.