Matagal ko nang pinagninilayan kung paano ba ako nagagalingan sa isang manunulat, at dumating sa'kin 'yung sagot ngayon:
Kapag nagawa ng isang katha na maipahayag mo ang pagmamahal sa pagsusulat, malamang gawa ang kathang iyon ng isang maestro. Sa tingin ko, sa mga nagmamahal talaga sa pagsusulat, may unified concern tayo sa ikalalago ng sining na 'to. Na, kapag nakasaksi tayo ng isang dumaragdag sa kagandahan niya, ay hindi natin maiiwasang magbunyi.
Well, may hahalong pagkainggit din malamang, gayunma'y may pagbubunyi pa rin.