Ngayon na lang ulit ako nage-explore sa Wattpad. Grabe, sobrang daming pagbabago sa kanya. Medyo naguluhan na ako or hindi lang talaga ako sanay sa latest interface niya. Last 2016 pa yung huli akong naging active dito na as in nagche-check ako. Yung ibang messages sa 'kin sobrang late reply na ako. Like 2 years pinakamalalang message tapos nito ko lang na-reply-an, baka hindi na rin active sa Wattpad 'yon kasi wala na rin siyang reply sa akin. Anyway, sinusubukan kong manumbalik sa mundong 'to. Hindi ko kasi kaya mag-Tiktok, tapos nauubusan na rin akong nang pwedeng magawa kapag nasa bahay lang.
Masyado nang mahaba post ko, heist! Na-miss ko lang.