Hello, my dear Helizeians! ✨ Good evening! Kamusta ang weekend ninyo? I'm very sorry if nawala ako ng ilang araw. Kidding! one month pala. Super busy kasi ako lately, nagsabay–sabay na kasi lahat. Malapit na rin ‘yong final defense namin kaya medyo nakaka–stress.
Maybe after final defense?—I will try to update. May upcoming event din kasi sa church—concert ‘yon and yes, required talaga kaming sumali kaya dagdag kabisihan na naman.
♡ Gentle Reminders lang from your PGA:
Alam kong minsan nakakapagod ang araw–araw na palagi na lang schoolworks ang nasa harapan natin, mapa–family problems man 'yan, at kung ano ang bumabagabag sa isip mo ngayon. Kaya gusto lang ipaalala ng author ninyo pogi ang ilang mga bagay:
☆ Huwag mong laktawan ang pagkain. Kahit kumain ka lang ng kunti, basta ang mahalaga—magkalaman iyang sikmura mo (h'wag maging pasaway).
☆ Magpahinga ka rin. Hindi ka robot, okay? kaya deserve mo magpahinga at matulog ng mahimbing (hayaan mo ang problema naman ang maproblemahan sa 'yo—siya na lang kasi palagi ang iniintindi mo).
☆ Uminom palagi ng tubig. Small habit pero napakalaking tulong na din iyan sa buong katawan natin.
☆ Pakinggan mo rin 'yong sarili mo minsan. Kung pagod kana sa dami ng mga nangyayari, okay lang naman na huminto saglit. Wala namang masama doon. Ang masama ay iyang ang abusuhin ang sarili.
☆ You are loved. Kahit hindi tayo magkakilala ng personal, gusto kong malaman mo na mahalaga ka at may nagmamahal sa’yo.
Huwag mo ring kakalimutan: You're doing your best, and that's enough. I'm proud of you, always.
I'll just announce na lang here when I have a new update. Iyon lang mga babes. Mag-iingat palagi, ha? Mahal ko kayo!!
Your PGA,
Helizemonnarialle ;)