"Isang babaeng 'di pero kakaiba,
Normal ang kaanyuan ngunit abnormal ang kaisipan,
Sumusulat ng mga salitang sya mismo 'di nya maintindihan,
Hinahayaan ang mambabasa ang umintindi sa mga sinusulat nya.
Sinusulat sa papel ang mga letra ng pabaliktad,
Pati utak nya'y nabaling na sa ilalim imbis na sa itaas,
'Di baleng sa ibaba pwedi namang tumaas,
Kaysa sa itaas biglang baba, naku! mahirap ng muling umakyat.
Kakaiba, 'yun ang sabi ng sarili ko,
Magandang pagkabaliw sabi naman ng puso ko,
Pero ang Diyos, sabi Nya'y Mahal kita,
Sabi ko'y salamat po, at mahal Nyo parin ang baliw na tulad ko Ama.
Baliw, baliw bang maituturing ang tulad ko? Siguro nga baliw na ako.
Ikaw, ikaw, kagaya rin ba ako? Maaring Oo.
Sumusulat, nag-iisip 'di malaman kung ano,
'Di raw ako ordinaryong tao, alien ba ako kamo?"
- JoinedOctober 1, 2015
Sign up to join the largest storytelling community
or
Hemivercilia
Oct 11, 2015 11:33AM
I'm new in here. I seldom publish my works because of my work. Not kind of work which receives money but a work that receives life. Hi. :)View all Conversations