"unrequited" by: Hera
Sa tahimik na mundo ko
payapa lang at pangkaraniwan
isang normal na studyante lamang
ng isang mataas na paaralan
nung nakilala kita'y
tahimik akong naglalaro
nahihila ako ng kakaiba
at malikot mong pagkatao
sinubukan ko lang naman makipagkilala
baka sakaling maging magkaibigan
di naglao'y nagkaron
ng malalim na samahan
nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan
pero di naging minamahal
hindi mo nga pala ako nais niligawan
dahil babalik ka sa dati mong kasintahan
nung araw na nalaman kong patapos na ang pahina ko sa buhay mo
gumuho and kasiyahan ko
hindi man ikaw ang mundo ko
ikaw naman ang nagpapasaya sa puso ko
pero bilang desenteng babae
di ko nais sumira ng relasyon na pilit inaayos
kahit pasikreto kong hinihiling sa langit
na yung sa inyo ay tuluyang matapos
siguro'y balang araw
matatagpuan ko din ang para sakin
pero kung ikaw man yon
di ko nalang hahanapin
kase ang hinahanap mo'y iba
ako'y isa lamang panandaliang saya
tumatapal sa sugat at sakit
tas ibabalik ka sa babaeng nagagawa kang matiis
siguro nga'y di ako para sayo
pero kung babalik kang sugatan sa bisig ko
pagagalingin kita ulit
bago kita ihahatid sa babaeng gusto mo
at pagdating ng araw na pagod ka nang intidihin siya
ako naman ang iintindi sayo
pagnapagod ka nang ilaban siya
ako ang magiging pahinga mo hanggang sa handa ka ng lumaban ulit
ang punto ng tulang ito
ay hindi para malaman mong mahal kita
gusto ko lang ilabas nais kong sabihin
ng hindi mo nababasa
at kung sakali mang mabasa mo to
wag kang magalala
tapos na ang pagmamahal ko sayo
di ko lang kayang humiwalay sa alala nating dalawa
hello! please don't mind this, I'm just broken hehehe
just wanna release it all