Maraming beses na akong nagmahal
Kung kaya't maraming beses na rin akong nasaktan
Oo, tanga ako dahil pinilit kong itago
Ngunit sa bawat paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno
Ang naririnig ko ay kung paano tayo pinagtagpo
Pinagtagpo ang dalawang taong iniwan at naloko
Ngunit sa huli ay ako itong iniwanan mo
Kung gayon ilalagay ko na lamang ang mga letra
Sa papel, kung saan isusulat ko ang sakit na nadarama
Sa letrang bumubuo ng salita
Bawat salita bumubuo ng pangungusap
Ikaw na aking pinapangarap
Araw at gabing hinahanap
Ang nadaramang gusto ko kalimutan
Hindi man ngayon, ngunit balang araw
Kapag ang puso ko'y hindi na ikaw ang isinisigaw.



-Binibini✨
  • Se ha unidoApril 24, 2019



Historias de alover
Poems of Feelings de Hera_Yuki
Poems of Feelings
My happiness, grief, hatred, love and sadness, I pour it out. The happiness living in my head, smile I put on...
ranking #46 en joyful Ver todos los rankings
Tula ng Pag-ibig de Hera_Yuki
Tula ng Pag-ibig
Mga tula mula sa aking nararamdaman. Mga tula mula sa aking pag-iyak hanggang sa pagtahan. Mga tula na naglag...
ranking #286 en pag-ibig Ver todos los rankings
1 Lista de lectura