Ikaw pa rin ang gustong pagsabihan,
Ng mga hinanakit at kasiyahan.
Kamay mo pa rin ang gustong hawakan,
Tuwing utak ko'y gusto nang lumisan.
Damdami'y para sa'yo pa rin,
Kahit iyo'y matagal nang nakabalin.
Mga salitang gusto kong sabihin,
Pinipili kong ibulong na lang sa hangin.