Ok. Ilabas ko na lahat ng feels. HAHAHA! ANAK NG P*CHA, mamatay matay ako kahapon sa PH Arena. SOBRANG GALING nung walo, at sympre, si Mikha (mahal na mahal talaga kita).
Alam ko na eh, the moment nalaman kong pinapakinggan niya si Michael Bublé (superb taste, kasi fan din ako ni Bublé at ng iba pang jazz artists - may playlist pa ako na puro jazz lang, pampakalma vibes HAHAHA). Tapos pa, si Coach Mickey nagsabi sa
"what to expect" na red daw ang kulay na nagde-describe ng performance niya. Doon na ako nagka-hunch na magco-cover siya ng isang Bublé classic. Lowkey, I was hoping na Feeling Good with that sultry, femme fatale vibe kasi bagay na bagay sa timbre ng boses niya. Ang tagal ko nang iniimagine na gamitin niya yung boses niya sa mga jazzy songs, at kahit sa imagination ko pa lang... huhu, french kiss talaga.
At hindi ko talaga in-expect na yun pala ang mapapanood ng mga mata ko at maririnig ng tenga ko - LIVE. As in, LIVE.
AND SYEMPRE, YUNG IBA PANG SOLOS
• Stacey: siya na ang bagong Wonder Woman sa buhay ko, sorry na lang kay Gal Gadot HAHAHA.
• Aiah: hindi ko in-expect na mag-Christina Aguilera song siya and damn that outfit is killing me!
• Jho: di ko kinaya yung nagmotor na nagrap pa, sobrang angas!
• Gwen: indeed, muy caliente ang performance niya. Sobrang ganda niya as in sobrang ganda.
• Colet: May pa drum solo pa si ssob, di ko kinaya. And THE SONG CHOICE IS DIVINE HA. 4 minutes by Madonna and Justin Timberlake ba naman ang tinira.
• Maloi: hindi ko in-expect na kakantahin niya Bridge Over Troubled Water (OG ver at kay Tori Kelly lang ang pasado sa tenga ko, pero sobrang ganda ng rendition ni Maloi.)
• Sheena: grabe, kung pwede lang umakyat sa stage at makiparty sa performance niya ginawa ko na HAHAHAHA.
Jusko, para akong nilibing nung Walo ng buhay sa performances nila (pero yung butterfly dun sa infinity, legit kinabahan ako, tabingi kasi ). Kunin niyo na ako sa hukay, para makapaglabas na ako ng first few chapters ng Padayon