IamMatsuu

@suri_01 ui mag update ka ha.heheh..oo dont worry babasahin ko lahat ng kwento  mo ahiihihi fan na kita..:))

suri_01

READERS!! BAD NEWS!! 
          
          Naisipan ng Feeling writer na ito na burahin ang naisulat ko nang short story na 'The Love Bus" para sana ayusin at iupload na lang kung tapos na..
          
          Sa kasamaang palad po ay iba ang napindot kong button para sa "delete story". At ang mas masama pa po'y yung first story ko pa na inabot na ng 17 chapters!!!!! Pasensya na sa mga nagbabasa ng Loving you is so gay. Ako poy humihingi ng paumanhin sa nagawa kong katangahan.. Maaari ay nagtatampo na sina Angel at Howard dahil hindi ko na sila napagtatagpo.
          
          Ako'y lubos na naghihinayang sa mga comments at votes na naibahagi niyo sa LYISG. Sobra talaga akong naghihinayang at ako'y nawalan bigla ng gana. Masakit para sa mga nagsisimula pa lang at nanghihikayat pa lamang ng mga readers. 
          
          Susubukan ko pong iupload uli yung story. Pero baka matagalan pa po! Sorry!! Baka ayusin ko na rin po yung ibang chapters dun. Sana, kung sakali mang maupload uli ay hindi niyo po sana makalimutang basahin ulit. Sana tangkilin niyo pa rin gaya ng una niyong pagtangkilik. 
          
          SORRY!!! SORRRY!! Ako'y lubos ng nagsisisi...