sa hindi inaasahang pagkakataon
tayo’y pinagtagpo
tila nawala ang lungkot ng kahapon
kasabay ng paghaplos mo sa 'king puso
hindi yata kakayanin kung ika'y mawala
nais ko ring sabihin na napaka g'wapo mo
lalo na ang mga ngiti mong kasing kinang ng tala
ilang beses ko na bang nasabing ikaw ang gusto ko?
alam mo bang na bago mo ang aking sarili?
naakala ko'y hindi na makakatakas pa sa dilim
salamat sa pakikinig, pero sandali
pwede mo rin naman akong maging lilim
kahit gaano ka pa katagal magkwento
kahit gaano kahaba la man ang sasabihin mo
naririto lang ako't makikinig sa 'yo
mahal kita eh, at araw-araw kong ipaparamdam ito
dahil sigurado na akong tayo’y hanggang dulo