Darating pala yung araw na masasanay akong mabuhay magisa ,ng di ka kasama sa loob ng ilang buwan na nakilala at minahal kita ,na pimaramdam mo sakin na mahal moko.Darating din pala sa puntong masasanay ako na wala ka na sa buhay ko.Di kita nakalimutan ,di din nakalimot ang aking puso.Ngunit natuto akong mahalin ka mula sa malayo, maging masaya sa mga tagumpay mo, maging masaya tuwing masaya ka at malungkot pag may nababalitaan akong di maganda tungkol sau.Di ko alam ang iyong intensyon sa pagpasok mo sa aking buhay,pustahan lang ba,napagtripan ba ako?Wala nakong pakialam ,nagpapasalamat ako sa kaunting oras na ipinagkaloob ng Ama para makasama kita.Madami kang naituro sa akin ,napakasaya ko.Masaya ako sa bagong buhay,sa babaeng mamahalin mo sana ingatan ka nya,sana wag ka nyang sasaktan ,mahalin ka nya ng higit.Masaya ako sa pagtatapos ng ating maikling kwento.Kontento ako sa kung ano tayo ngaun.Dahil masaya ka at ganun din ako.Ongat palagi.