Happy New Year po sa inyong lahat!!
Thank you sa lahat ng mga nakilala ko at naging parte ng buhay ko Sa mga readers ko na nandiyan pa rin, nagtitiwala, minahal ang aking mga akda, at naghihintay pa rin sa UD ko kahit matagal na akong huminto muna sa pagsusulat. Sana maging healthy na tayong lahat ngayong 2026 at mabigyan pa ng maraming blessing.
Lord, sana maging okay na rin po ako. Hindi po biro ang mga pinagdaanan ko sa 2025. Maraming stress, anxiety, sakit, iyak, at halos sinubok na rin ang paniniwala ko po sa Inyo at inakala kong mawawala na ako, pero maraming maraming salamat dahil binigyan N’yo pa rin po ako ng pagkakataon na magpatuloy pa mundong ito at kumapit sa Inyo. Sana kayanin ko pang lumaban at harapin ang pagsubok ngayong nagsimula na ang panibagong taon