Ngayon lang ako bumalik sa pagsusulat. Ngayon ko lang kasi muling naramdaman ito. Hindi ko maipaliwanag pero sana basahin niyo ang "TADHANA" na kakasulat ko pa lang. Kung sino man yung nasa larawan doon, yung kasama ko doon ay sa kanya lang naman tungkol ang isinulat ko. Kung paano kami nagkakilala at lubos na nagkakilala. Nakakakilig, nakakalungkot, nakakainis, nakakainlove, nakakaPAASA at kung anu-anong mararamdaman mo. Masasabi ko na lang sa kanya nang palihim eh, "Masaya ako't nagkakilala tayo. Masaya ako't hindi ka katulad ng ex ko. Nakatadhana tayong makakilala! TANGA KA kasi, kaibigan mo lang ako." :)