Kung gusto mong magsulat, magsulat ka lang. Kung gusto mo maging kagaya ng tinitingala mong mga sikat na manunulat ngayon, magsulat ka lang. Huwag mo pansinin ang sasabihin ng iba. Basta magsulat ka lang ng magsulat. Huwag mong hayaan na pigilan ka ng mga taong nasa paligid mo. Dahil nagsusulat ka para sa sarili mo at hindi para sa iba.