this message may be offensive
#WWNS chapter 2 is already UPDATED!!
https://www.wattpad.com/story/404368254?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_writing&wp_page=create&wp_uname=JaiysWrites
Pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng may tao sa loob.... At naliligo. Ang bawat patak ng tubig ay tumatama sa katawan niya habang hawak ang sabon, at ang twalya ay nakasabit sa pintuan. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo or lumabas ng cr, hindi ako nakagalaw at parang naging estatwa sa harap niya.
Mas kumabog ng mabilis ang puso ko ng bumaling siya saakin... Tangina, nakita niya ako, baka ang isipin niya sinisilipan ko siya.
"What the heck?... Who are you.." saad niya, malalim ang boses ngunit ang tigas ng pagkasabi.
"Sinisilipan moba ako?..." Aniya, mariin ang pagtitig niya saakin at nakakunot ang noo.
"Hindi, anong pinagsasabi mo? Hindi kita sinisilipan, nabuksan ko lang, pero hindi ko sadya.." pagpapaliwanag ko.
"I don't need your explanation, you're so rude.." aniya, sabay kuha ng twalya at lumabas.
Lumakad siya patungo saakin, dahil sa tangkad niya napatingala ako sakanya. Ang mukha niya ay maamo ngunit galit at mariin siyang nakatitig saakin.
Napaupo ako sa lababo ng cr, habang siya'y nakatayo at nakasukbit ang twalya sakanyang pang ibabang bahagi.
"Why are you here? Sinisilipan mo talaga ako..." Aniya. "Hindi nga, bakit kita sisilipan, kilala ba kita?.."
"Who the fuck are you? Hmm?..." Aniya.
"Do you know how rude what you did was? To just suddenly open the door while someone is using the bathroom?.." saad niya, mariin parin ang titig sa mga mata ko, at baka ang pagkagalit nito.
"Halatang hindi ka pinalaking maayos ng magulang mo, so stupid.." sambit niya sabay labas cr. Kinuha niya rin ang damit at short niya.
"Gago, dinamay mopa magulang ko. Tsaka hindi ako. Tangina mo.." bulyaw ko kahit nakalayo na siya.
Nakakainis!!! Bakit ba kasi pumasok don? Tsaka, napatigil ako bakit?? Dahil ba gwapo yon? Tangina, bastos naman ang bibig.