"Julia's POV
"Balik ka dun,masiyadong revealing,ayoko niyan." sabi ni Daniel habang pinapasadahan ako ng tingin.
Tsk kanina pa kong parang model na rumarampa sa harap niya!
E di ba nga kaya kami nandito sa mall kasi ibibili daw niya ko ng damit?
Ang kaso ang arte niya! Di naman siya yung magsusuot eh!
Kesyo masiyadong mahaba daw yung slit at makikita yung hita ko.
Kesyo mababa yung neckline at makikita na dibdib ko!
Kesyo ah lintek na kesyo! Pasakan nga ng keso ang bibig nito!
Ayoko din naman masiyadong revealing yung outfit pero dahil pagod na ko sa hubad palit at suot aasarin ko muna to.
"Bakit maganda naman to ah!ito na lang." sabi ko
Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at lumapit sakin
"Huhubarin mo ba yan o ako mismo maghuhubad niyan sayo,ano gusto mo?" sabi nitong pabulong sa tenga ko.
Nagtaasan lahat ng pedeng tumaas sakin.
Bat ba ang manyak nito?
"Sabi ko nga ayoko nito,ikaw mapilit diyan eh!" sagot ko naman at dali daling bumalik sa dressing room.
Inilock ko yun at baka mamya niyan pasukin ako ng manyak na yun!
Ilang saglit pa ng pagpapalit palit ayun nakapili din ako,este siya pala!
Hmp!
Siya naman magbabayad nun eh,bahala siya!
"Teka hindi mo ba ko sisingilin dito?" bigla kong naitanong kasi di ba may utang pa daw ako baka madagdagan na naman.
Binabayaran ko naman kaso ayaw niyang tanggapin.
"Hindi,baka kasi di mo na kayanin pag naningil na ko kung idadagdag ko pa yan." sagot nitong nakakaloko.
Di ko alam kung makakahinga ba ko ng maluwag o mas dapat kabahan? Ano ba kasi yang pesteng utang na yan!
****
Daniel's POV
Nakasakay na kami sa kotse ko ng tumunog cp ko.
"O?" sabi ko dun sa tumawag.
Di uso hello eh.
"San ka na bro?birthday ko tapos wala ka dito!" si Katsumi barkada niya to nung college.
Pota muntik ko ng makalimutan
"Pupunta ko pero saglit lang,may klase pa ko." sagot ko naman
"Geh hintayin ka na lang namin dito,bilisan mo!"
Demanding ang gagu!..." http://wattpad.com/story/5020341